Do we always need a dead hero?
[Below is adapted from the Editorial I wrote for Pilipinas Bulletin, a transrail newspaper in the Philippines.]
Nagluluksa ang sambayanan sa pagyao ng isang ina at Pangulo. Marami nang naisulat tungkol kay President Corazon Aquino: sa pag-gunita natin ng kahulugan nya sa ating buhay bilang Pilipino ay pinupukaw din natin ang ating diwa upang muling gumising ang ating “natulog” na mithiin at pagkilos para sa pagbabago.
Tunay ngang napakalungkot ng paglisan nya. Ngunit parang mas nakapanlulumo na kinakailangan pa natin ng isa na namang pagpanaw upang mapukaw muli ang ating diwa. Do we always need a dead hero in order to unify and call for change? Sana hindi. At sana hindi ito maging katulad ng mga nakaraang mga kaganapan na pagkatapos ng ilang linggo o buwan lamang ay nililibing na din natin sa ating mga alaala.
Sometimes, we tend to be forgetful or we simply get tired so easily. Are we all too tired to remember the lessons from our past? We will give more honor to our heroes and martyrs like Jose Rizal by not forgetting. Let us not forget the legacy they left behind. They wanted us to fight for change. They wanted us to lead our people towards greatness. They wanted us to make a difference.
Malayo pa ang ating lalakbayin. Pero sana sa ating patuloy na paglalakbay, kasama natin hindi lang ang alaala ng mga punanaw na: ang pagwawagi ng katotohanan, hustisya, at pagbabago. At sana, huwag na natin pang hintayin na may bayani na namang papanaw bago tayo mapukaw at magka-isang muli.
Leave a Reply